Soneto
Unos ng Buhay
Ni Jessica A. Baldado
Ako'y nahihirapan sa mundong ginagalawan,
kahirapan yata ay wala ng katapusan,
at maaga pang nagbuntis ang ilan,
Bakit nga ba nagbubulag-bulagan?
Kahirapan ay kailangan ng wakasan,
Bakit mas marami sa'tin ay hirap?
Tila nawalan na nang paglingap;
Ang nasa itaas tila kaytaas ng bakod,
hindi manlang marunong yumukod,
nawa magising na sa katotohanan,
sugpuin na dapat ang kahirapan;
Tayong Pilipino ay dapat nang kumilos,
kahirapan ay isang malaking unos,
kaya kapwa ko Pilipino, tayo na't kumilos!
Unos ng Buhay
Ni Jessica A. Baldado
Ako'y nahihirapan sa mundong ginagalawan,
kahirapan yata ay wala ng katapusan,
at maaga pang nagbuntis ang ilan,
Bakit nga ba nagbubulag-bulagan?
Kahirapan ay kailangan ng wakasan,
Bakit mas marami sa'tin ay hirap?
Tila nawalan na nang paglingap;
Ang nasa itaas tila kaytaas ng bakod,
hindi manlang marunong yumukod,
nawa magising na sa katotohanan,
sugpuin na dapat ang kahirapan;
Tayong Pilipino ay dapat nang kumilos,
kahirapan ay isang malaking unos,
kaya kapwa ko Pilipino, tayo na't kumilos!
Kulang ng isa. Diba dalawa ang hiningi ko?
ReplyDelete