PASTORAL
Buhay-Bukid
Ni Jessica Baldado
Tanawin sa bukid sadyang kayganda talaga,
Sariwa ang simoy ng hangin at malinis pa;
Simple lamang ang pamumuhay sa bukid,
hanapbuhay ay madali pang hanapin.
Buhay-bukid ay naiiba,
Malayo sa polusyon't iba pa,
Kalusugan ay hindi problema,
pagka't sa bukid ligtas ka talaga.
Manlalakbay
Ni Jessica Baldado
Ibig kong maglayag sa parte ng mundo,
kung saan walang maingay at magulo,
Tao'y kaibigan at hindi kaaway,
Tao ay sandalan at iyong karamay.
Langhap mo ang katiwasayan ng buhay,
wari'y lahat ng tao iyong mga kamay,
nakahandang tumulong sa hirap at ginhawa,
iba pa rin ang pamumuhay sa bukid tal'ga.
Buhay-Bukid
Ni Jessica Baldado
Tanawin sa bukid sadyang kayganda talaga,
Sariwa ang simoy ng hangin at malinis pa;
Simple lamang ang pamumuhay sa bukid,
hanapbuhay ay madali pang hanapin.
Buhay-bukid ay naiiba,
Malayo sa polusyon't iba pa,
Kalusugan ay hindi problema,
pagka't sa bukid ligtas ka talaga.
Manlalakbay
Ni Jessica Baldado
Ibig kong maglayag sa parte ng mundo,
kung saan walang maingay at magulo,
Tao'y kaibigan at hindi kaaway,
Tao ay sandalan at iyong karamay.
Langhap mo ang katiwasayan ng buhay,
wari'y lahat ng tao iyong mga kamay,
nakahandang tumulong sa hirap at ginhawa,
iba pa rin ang pamumuhay sa bukid tal'ga.
Comments
Post a Comment