Elehiya
Mahal
Ni Jessica A. Baldado
Ala-ala na lamang kaya ang lahat?
Hanggang pag-gunita na lamang ba ako?
Nais ko muli makita iyong ngiti,
Dahil ako'y hindi pa rin mapakali.
Mahal wag mong kalimutan,
Pag-ibig ko'y walang hanggan;
Sa buhay ko ika'y nagbigay kasiyahan,
O aking mahal, bakit mo ako iniwan?
Alaala
Ni Jessica A. Baldado
Ilang buwan na ang nakalipas,
Dama ko pa rin iyong mga himas;
Pagmamahal mo'y walang makakapantay,
Mga alaala mo ay buhay na buhay.
Ika'y kinuha ni kamatayan sa'kin
Pangyayaring sadyang mahirap tanggapin,
Mga ala-ala'y buhay na buhay pa rin,
Na hanggang sa huli ay aking dadalhin.
Comments
Post a Comment